Draft ng federal charter, hawak na ng Kamara

Draft ng federal charter, hawak na ng Kamara

July 11, 2018 @ 12:32 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Naisumite na sa House of Representatives  ng Consultative Committee (ConCom) ang  draft federal charter para sa isinusulong na federal form of government.
Mismo sina House Speaker Pantaleon Alvarez at Majority Leader Rodolfo Fariñas ang tumanggap ng draft report mula kay ConCom Chairman Reynato Puno.
Sa isang press conference sinabi Fariñas, na kanila munang hihintayin ang official transmittal mula sa Office of the President bago nila ito pormal na aksyunan.
Sa panig naman ni Alvarez sinabi nito na pagkatapos ng Bangsamoro Basic Law(BBL) na inaasahan nilang malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address(SONA)  ay saka nila pagtutuunan ng pansin ang federal charter report.
“Babasahin at pag aaralan natin itong mabuti bago kami magpulong na mga mambabatas,” paliwanag ni Alvarez.
Nilinaw naman ni Farinas na ang isinumite ng Concom ay working draft lamang, recommendatory at ang huling pasya ay nasa mga mambabatas.
“I  hope that we could make that very clear. Its only the congress that can propossed  amendments to the constitution,” pahayag ni Farinas.
Ani Farinas ang Concom ay binuo ni Pangulong Duterte kaya naman ang report nito ay isusumite sa Pangulo at kung may papaboran ng Pangulo ay ipapasa sa Kamara.
“We have to wait for the president,pag sinabi ni President ibigay na yon at binigay ni Speake sa akin then will set things into motion. Coming from the president it carries weight but congress is not bound pero pag aaralan pa din ng Kongreso,” pahayag ni Farinas.
Dagdag pa ni Farinas na nirerespeto nila ang rekomendasyon ng ConCom at umaasa silang rerespetuhin din ng komisyon ang pinal na pasya ng mga mambabatas sa Charter Change. (Gail Mendoza)