Draft sugar importation order, alam ni ES Rodriguez – Hontiveros

Draft sugar importation order, alam ni ES Rodriguez – Hontiveros

August 23, 2022 @ 3:32 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Alam ni Executive Secretary Victor Rodriguez ang pag-draft ng kontrobersiyal na Sugar Order No. 4 na pinapayagang umangkat ng 300,000 metriko tolenadang asukal, ayon kay Senador Risa Hontiveros.

Sa ginanap na unang pagdinig ng Senate blue ribbon committee hinggil sa illegal na pagpapalabas ng SO 4, kinastigo ni Hontiveros ang statement ng Palasyo na illegal ang importation order na ipinalabas nang walang awtorisasyon mula Pangulo.

Binanggit ni Hontiveros ang memoramdum na may petsang Hulyo 15, 2022 na nagbibigay kapangyarihan kay dating Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, now resigned, na umupo bilang ex-officio member sa lahat constituted committees at lupon na kung saan nakaupo ang kalihim ng Department of Agriculture (DA) bilang miyembro.

Sa ginanap na pagdinig sa Mababang Kapulungan nitong Lunes, sinabi ni Sebastian na nilagdaan niya ang SO 4 base sa awtoridad na ibinigay sa kanya ni Rodriguez noong Hulyo15 memorandum.

Aniya, maaaring hindi naintindihan ni Sebastianan ang intensiyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na umuupongDA secretary, kaya’t tinanong nya kung bakit inaprubahan ang SO4 at bakit hindi kaagad ito ipinarating ni Rodriguez sa atensiyon ng Pangulo.

Katunayan, aniya, nagkaroon ng meeting noong Agosto 4 o parehong araw na malinaw na ang importasyon ng 300,000 metriko toneladang asukal.

Dahil dito, binanggit ni Hontiveros ang ilang news report at citizen vlogs na sinasabi nitong salungat sa pahayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles hinggil sa nalalaman ni Rodriguez sa importation order.

“Sabi ni Sec. Trixie Angeles, wala daw alam si ES sa Sugar Order No. 4. Ang sabi pa niya, nung nalaman daw ni ES yung SO No. 4, pinagbigay alam nila sa Pangulo at diumano nagalit ang pangulo,” ayon kay Hontiveros.

“As early as August 5, 2022, a draft of the Sugar Order No. 4 was already submitted to former SRA administrator Leo Sebastian. In the afternoon of August 5, the DA OSec already wrote to the ES at ito yung inamin ni ES kanina and sent him the said draft as well as a Memorandum for the President,” dagdag niya.

“Ibig sabihin po, alam ni Sec. Rodriguez na may umiikot na draft order. An order that received support from stakeholders of the sugar industry. Did he mention this at all to his principal? Di ba dapat ang ES prinoprotektahan ang pangulo? Di ba dapat ang ES gatekeeper?” tanong pa ng oposisyon.

Humarap si Rodriguez kamakailan sa Senate panel saka inilatag ang pangyayari hinggil sa di-awtorisadong pag-aapruba mng SO 4 na nilagdaan nang walang kinalaman ni Marcos.

Aniya, inatasan siya ni Marcos na tiyakin na hindi magagamit at maipapalabas ang SO 4 at maibasura ito. Binanggit din ni Rodriguez ang isinasagawang koordinasyon sa negosyante at stakeholder upang maibaba ang halaga ng asukal sa P70 kada kilo.

“There is nothing more important than food security, its availability to the most ordinary Filipino, and ensure food price stability to achieve our goal na walang Pilipinong nagugutom,” aniya.

Kaagad umalis si Rodriguez upang dumalo sa Cabinet meeting at wala na ito nang magsalita si Hontiveros.

Kinuwestiyon din ni Hontiveros ang narrative na niloko si Marcos hinggil sa pagpapalabas ng SO 4.

“Bakit may packaging na niloloko ang Pangulo? Bakit pinapalabas na may paglilinlang? Why suggest na first time mo nadinig na may Sugar Order No. 4, when you were informed and kept in the loop as early as August 5?” tanong niya.

Binanggit din ni Hontiveros ang pahayag ni Rodriguez na mayroong 100,000 metriko toneladang standby stock na hiniling ng SRA na aangkatin ng Philippine International Trading Corporation (PITC).

“What did the ES think of the 100,000 MT standby stocks requested by the SRA to be imported by PITC? They knew this was a proposal. Was this acted upon? Was this to counter the hoarders?” tanong nya.

Dahil dito, muling ipinatawag si Rodriguez na dumalo sa pagdinig na inaprubahan ng Komite. Ernie Reyes