Hindi nakaligtas ang kantang “Yesterday”, matagal-tagal ng record ng ‘The Beatles’, sa kamandag ng ikalimang album ni Drake na ‘Scorpion’.
Gumawa kasi ng sariling record ang album ni Drake na ‘Scorpion’ matapos makatungtong ang hindi lang isa, kundi pitong singles nito sa Top 10 Billboard.
Ibig sabihin, winasak nito ang record ng ‘The Beatles’ na mayroong lima lamang na singles noong 1964. Binigyang diin pa ng Billboard na ang banda ay ang “the only act to monopolize the Hot 100’s entire top five in a week.”
Ang raking ni Drake ay ang mga sumusunod: “Nice for What” at No. 1; “Nonstop” at No. 2; “God’s Plan” at No. 4; “In My Feelings” at No. 6; “I’m Upset” at No. 7; “Emotionless” at No. 8; at “Don’t Matter to Me,” featuring Michael Jackson, at No. 9.
Hindi lamang ito ang kaniyang tagumpay na naabot dahil kamakailan lang ay binasag rin niya ang sariling record para sa may pinakamaraming single na makapasok sa Hot 100 kung saan mayroon siyang 27 kasama ang lahat ng 25 tracks mula sa album na ‘Scorpion’.
Mukhang literal na makamandag ang album na ito ni Drake.
Inanunsyo rin kamakailan ng Spotify at ng Apple music na nanguna rin ang kaniyang ika-limang album na ‘Scorpion’ sa streaming records. Nilagpasan niya ang isang bilyon na marka sa total streaming, kauna-unahan, sa loob lamang ng isang linggo.
Nalagpasan na rin ni Drake ang yumaong King of Pop Michael Jackson bilang ‘artist with the most Hot 100 Top 10s in his career among solo males.’
Kasalukuyang career ni Drake meron na siyang kabuuang 31 habang si Jackson naman ay may 30 lamang. (Remate News Team)