Drayber napugutan sa minamanehong trak

Drayber napugutan sa minamanehong trak

March 10, 2023 @ 7:30 PM 3 weeks ago


CEBU CITY – PUTOL ang ulo ng isang driver matapos tumalon at magulungan ng minamaneho nitong truck, kaninang madaling araw, Marso 10 sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Gregorio Bores, 56, at residente ng Barangay San Roque, Cebu City.

Ayon kay Police Staff Sergeant Leigh Vincent Gonzalve, imbestigador ng Cebu City-PNP, dakong 3:00 AM nang maganap ang insidente sa Sitio Tagutongan, Barangay Suba, Cebu City.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, tumalon ang biktima sa truck ng bigla na lamang itong umandar.

Kwento ng ilang saksi, nataranta ang biktima at tinangka pa sana nitong pahintuin ang truck subalit sa sobra niyang taranta ay natapilok ito at natumba dahilan para magulungan ang ulo nito ng truck na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Posible umanong hindi naka-handbrake ang truck kaya umandar ito at nasagasaan ang biktima.

Nahagip rin ng truck ang isang kotse, bakod ng bahay at e-bike.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente. Mary Anne Sapico