Drayber ng nahulog na bus sa Bataan, ‘di muna kakasuhan

Drayber ng nahulog na bus sa Bataan, ‘di muna kakasuhan

November 7, 2022 @ 1:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hindi pa maghahain ng reklamo laban sa driver ng nahulog na bus sa bangin sa Orani, Bataan noong Nobyembre 4 ang pamilya ng nasawing guro na sakay nito.

Ito ang ibinahagi ni Orani Police Major Larry Valencia nitong Lunes, Nobyembre 7.

Matatandaan na sa nangyaring insidente ay nasawi ang 34-anyos na guro na si Janice Pontillas at ikinasugat ng iba pang mga guro na pasahero ng naturang bus.

Ayon kay Allan Pontillas, asawa ng biktima, makikipag-usap muna siya sa mga abugado nito ng susunod na hakbang sa oras na makabalik siya ng bansa.

“Nagkausap po sila through video call in the presence of our legal officer, nag-usap sila at sabi po ni Mr. Pontillas, pansamantala hindi po muna sila magkakaso sa driver,” pahayag ni Valencia sa panayam ng TeleRadyo.

Sa impormasyon, empleyado rin ng Department of Education ang 62-year old na driver ng DepEd bus sakay ang pawang mga public elementary at secondary school teachers mula sa Quezon City.

Ang mga ito ay pauwi na sana mula sa Gender and Development activity na isinagawa sa Sinagtala Resort ng naturang bayan.

“Based po sa investigation natin, nagkaroon ng mechanical failure according to the driver. Kaya nawalan ng control at nahulog po,” dagdag pa ni Orani Police Major Larry Valencia. RNT/JGC