Drayber, pahinante patay sa trak na tumalon sa bangin

Drayber, pahinante patay sa trak na tumalon sa bangin

May 3, 2022 @ 2:09 PM 2 months ago


REAL, Quezon- Patay ang isang drayber at pahinante ng 10-wheeler truck na may mga kargang poultry feeds matapos mahulog sa bangin Linggo sa bayang ito.

Batay sa report ng Real Municipal Police Station, umaga ng Linggo ng maganap ang insidente sa Barangay Tanauan, Real Quezon.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, galing Manila ang truck at patungo sa Infanta pero pagdating sa nasabing lugar bigla na lamang nahuloga ng truck sa bangin na may lalim na 40-talampakan.

Sa lakas ng pagkabagsak naipit ang mga biktima sa loob ng truck na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. Mary Anne Sapico