‘DREAMING’ ANG CPP-NPA’

‘DREAMING’ ANG CPP-NPA’

December 29, 2022 @ 10:12 AM 1 month ago


SA ika-54 taong pagkakatatag ng Communist Party of the Philippines na ipi-nagdiwang noong Lunes, December 26, ipinagmamalaki ng mga komunistang-teroristang mga ito, na muli silang babangon at patuloy na makikipaglaban sa pamahalaan.

“At kahit daw na kamamatay lamang ng kanilang founder na si Jose Maria “Joma” Sison, mananatili itong buhay sa kanilang mga damdamin at isipan lalo na ang mga prinsipyo at aral na ibibigay nito sa kanila.”

“”Dreaming” o nananiginip ata ang mga natitira pang miyembro nitong CPP-NPA-NDF. O sadyang makikitid ang kanilang pag-iisip.“Wala pong nagawang maganda para sa bayan ang inyong founder na si Joma, maliban sa panggugulo, pagpatay at pagmamalabis lalo na sa ating mahihirap na kababayan sa mga kanayunan.

“Wala rin magandang ibinunga ang kanyang mga aral na nakaloko sa marami nating mag-aaral sa mga unibersidad. Kamatayan pa nga ang sinapit ng iba sa kanila.“Paano n’yo masasabing may magandang nagawa si Joma?

Sakripisyo ba sa bayan ang ibigay ang sariling buhay sa pakikipaglaban sa ma-ling paniniwa-la?“Nananaginip nga kayo? Mismong si Joma ang tinaguriang lider ng komunistang-terorista ng inyong samahan. At di lamang dito siya binasagan ng ganyan, kundi sa iba’t iba pang bansa na luma-aban sa mga komunista.

“Dreaming nga kayo kung ang tingin n’yo ay tama ang pumatay ng mga sibil-yan at kapwa Filipinong ayaw makisimpatiya sa inyo.

“Dreaming pa rin kayo, kung sa tingin n’yo ay mapagtata-gumpayan n’yo ang maling pakiki-paglaban dahil sa maling paniniwala. Sa mata ng mara-ming Filipino, ang CPP-NPA-NDF ay salot sa demokrasyang umiiral sa bansa at nagbibigay ng katiwasayan.

“Huwag n’yo nang pangarapin na maagaw n’yo ang liderato o maibagsak ang kasalukuyang pamahalaan. Mananatili kayong salot at komunistang-terorista na pinandidirihan ng bawat Filipino.

oOo oOo oOo

“Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!“