Drilon kay Galvez: Presyo ng COVID-19 vax sa kasunduan, ilatag

Drilon kay Galvez: Presyo ng COVID-19 vax sa kasunduan, ilatag

January 18, 2021 @ 6:53 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iginiit na obligasyon ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ipaalam sa mga Pilipino ang presyo ng COVID-19 vaccine prices sa  term sheets na nilagdaan ng gobyerno, batay kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

“My message to Sec. Galvez, hindi po ba sinasabi ninyo na mayroon kayong term sheet na pinirmahan. Kung may term sheet, mayroon na roong presyo, volume, at schedule of delivery. Iyan po ay hindi na dapat confidential dahilan pagpirma ng supply agreement iyan naman ang susundin,” saad ni Drilon sa panayam.

“Sa akin po kapag may pinirmahan ng kontrata, hindi na pwedeng itago. Kapag naka-set na ang presyo, hindi na pwedeng itago dahil tapos na ang negotiation… Sa akin, hindi na covered ng confidentiality iyan dahil napirmahan na. Hindi na pwedeng baguhin ang term sheet.”

Nauna na ngang ipinaliwanag ni Galvez na nauuna ang ‘confidentiality disclosure agreement’ bago ang term sheet.

“Hindi nakakatulong ‘yung inconsistencies sa presyo kasi nag-aalala ang taumbayan na baka may kumikita rito. Wala akong basehan pero iyon ‘yung conclusion ng taumbayan dahilan sa nanggagaling din sa administrasyon ang presyo nito tapos iba’t iba ang figures na ating naririnig,” punto pa ni Drilon. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •