Drilon nalalabuan pa sa pagkalutas ng Lapid slay case

Drilon nalalabuan pa sa pagkalutas ng Lapid slay case

October 24, 2022 @ 2:18 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nalalabuan pa si dating senador at Justice Secretary Franklin Drilon sa pagkalutas ng kaso ng pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Aniya, ang testimonya ng self-confessed gunman na si Joel Escorial ay hindi sapat at dapat pang magkaroon ng ibang susuporta.

“The case for the prosecution still stands on a thin ice. Why do I say that?… Unless there are other pieces of evidence which I am not aware of, the only evidence is the testimony of [Joel] Escorial,” ani Drilon sa panayam ng ANC.

“The police investigators and the Department of Justice must validate this confession with corroborative evidence… which is crucial because the case cannot stand on the testimony alone of Escorial,” dagdag pa niya.

Maliban dito, nangangamba rin si Drilon na maaaring gumuho ang kasong ito kung bigla na lamang bawiin ni Escorial ang kanyang testimonya.

“The narration of the gunman, at this state, must be viewed with caution. Corroborative evidence must be gathered because everybody is asking, ‘is there a wider conspiracy here?’ The alleged middleman is killed, and the alleged middleman is killed under mysterious circumstances,” pahayag ng dating senador.

Samantala, nanawagan naman si Drilon sa mga dating kasamahan sa Senado na hayaan munang matapos ang mga awtoridad sa pagsasagawa nito ng imbestigasyon.

“I appeal to my former colleagues, allow the police to finish their investigation. I do not know what a Senate investigation can do at this point. I am not yet convinced that the police is not doing its job. It has to do more investigation but at this stage, I do not see the need for the Senate investigation,” aniya. RNT/JGC