Drilon, Singson pasok sa Cebu City advisory council

Drilon, Singson pasok sa Cebu City advisory council

September 19, 2022 @ 1:12 PM 2 weeks ago


CEBU CITY – Itinanghal na mga bagong miyembro ng binuong advisory council ng Cebu City sina dating Senador Franklin Drilon at dating kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si Rogelio Singson.

Ito ang inanunsyo ni Cebu City Mayor Michael Rama ngayong Lunes, Setyembre 19 na layong maitugma sa mga pamamaraan ng Singapore ang lungsod pagdating sa mga ipatutupad na implementasyon.

“Today, we will have two distinguish gentlemen,” ani Rama.

Inaasahan sina Drilon at Singson na tutulong sa bidding para sa reclamation sa pitong ilog sa lungsod at pagsasaayos ng flood control projects.

Target ng advisory council na maging parang Singapore ang Cebu City.

Nagpasalamat naman si Drilon sa pagkakataon na maging bahagi ng konseho.

“I am glad Mayor Mike has put forward a mission of a Singapore-like Cebu City,” ani Drilon.

“We will do our best, whether we succeed or not. (But) if there is something I can guarantee, our willingness to help… we look forward to be able to see a Singapore-like Cebu City,” dagdag pa niya.

Kabilang rin sa itinanghal na bahagi ng konseho ay sina dating DENR Sec. Roy Cimatu at dating PNP chief Debold Sinas. RNT/JGC