Driver na ismagler, kakasuhan

Driver na ismagler, kakasuhan

July 31, 2018 @ 3:35 PM 4 years ago


Palawan – Tuloy ang pagsasampa ng kaso ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu laban sa truck driver na nahuling nagtatakas ng 21 frozen Palawan pangolins at 16 na patay na marine turtles sa Puerto Princesa City noong Sabado.

Kinasuhan na ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), ahensya ng DENR si Joshue C. Arellano sa paglabag sa Republic Act No. 9147, o Philippine Wildlife Resources Conservation and Protection Act

Hiniling ni Cimatu sa PNP na tutukan ang kaso at alamin kung sino pa ang mga sangkot sa nasabing krimen.

Pinasalamatan naman ng DENR chief ang DENR-MIMAROPA at PNP sa pagkahuli kay Arellano dahil malaking tulong umano ito sa DENR.

Ayon naman kay DENR-MIMAROPA Director Henry Adornado, minamaneho ni Arellano ang isang elf truck nang dumaan ito sa isang security checkpoint sa Brgy. Sta. Lourdes, Puerto Princesa.

Habang iniinspeksyon, nakita sa truck ang 21 frozen Palawan pangolins at 16 na marine turtles.

Bukod dito, wala ring plate number ang truck at nahulihan din ito ng hindi lisensyadong .38 caliber pistol.

Ani Adornado, ang mga pangolins at marine turtles ay klasipikadong kasama sa mga itinuturing na endangered species ng International Union for Conservation of Nature (IUCN).  (Nenet L. Villafania)