Driver patay sa bumaligtad na pick-up

Driver patay sa bumaligtad na pick-up

February 26, 2023 @ 4:15 PM 4 weeks ago


CAMARINES SUR- Patay ang isang lalaki habang sugatan ang dalawa nitong sakay matapos bumaligtad ang minamaneho nitong pick-up, iniulat kahapon, Pebrero 25 sa bayan ng Ragay.

Kinilala ang nasawi na si Juris Perez, 31-anyos, residente ng Interior Street, Brgy. Abella, Naga City.

Nilapatan naman ng lunas sa ospital ang mga sugatan na sina Mark Dales Carpio, 33-anyos, at si Jerick Francisco Del Castillo, 25-anyos, residente ng Calabanga, Camarines Sur.

Sa imbestigasyon ng Ragay-PNP, minamaneho ni Perez ang pick-up sakay sina Carpio at Castillo habang binabaybay ang kalsadang sakop ng nasabing bayan.

Bigla na lamang umanong pumutok ang unahang gulong ng sasakyan at dahil mabilis umano ang patakbo ng sasakyan ay bumaligtad na ito na naging sanhi ng agarang kamatayan ni Perez.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente. Mary Anne Sapico