Droga, ginawang family business; 4 mag-anak, 2 pa arestado

Droga, ginawang family business; 4 mag-anak, 2 pa arestado

July 24, 2018 @ 5:27 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Kalaboso an apat na magkaka-anak kabilang ang dalawang iba pa makaraang isinagawa ang drug buy bust operation ng mg tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Marikina Police Station Lunes ng gabi.

Nakilala ang mga inarestong sina; Ernie Santos, 20-anyos; Margie Santos, 23-anyos; Vangie Santos, 43-anyos; at Georgie Mamis, 19-anyos kasama ang dalawang 18 anyos.

Sa ulat, ikinasa ang operation laban sa mga suspek na di umayo mga tulak ng droga dakong alas-8:30 ng gabi ng mga elemento ng SDEU sa pangunguna ni P/Insp. Greco Gonzales, kasama ang PDEA EPD sa Blk 43 Mais St. Brgy Tumana, Marikina City.

Una rito, ay bumili ng isang pakete ng pinaghihinalaang shabu ang isa sa mga pulis na nagpanggap bilang poseur buyer kasama ang isang pulis asset, matapos ang nasabing transaksyon agad na nagbigay ng hudyat ang pulis sa mga kasamahan nito upang tuluyan ngang arestuhin ang mga nasabing tulak.

Narekober sa mga suspek ang anim (6) na pakete ng pinaghihinalaang shabu, P500.00 ginamit bilang buy bust money at isang coin purse.

Sa ngayon, ang mga nasabing suspek ay nakapiit sa himpilan ng Marikina at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 26 in relation to Sec 5 at Sec 11 ng RA 9165. (Toto Nabaja)