DROGA NAMAMAYAGPAG SA PROBINSYA NI ALBAYALDE

DROGA NAMAMAYAGPAG SA PROBINSYA NI ALBAYALDE

July 27, 2018 @ 8:06 PM 5 years ago


Hindi lang matalas magsalita si Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde laban sa iligal na droga, kundi mabilis ding umaksyon bilang pagtupad sa kanyang mandato. Ang problema, tameme si Albayalde kapag sa Pampanga ang pinag-uusapan dahil lalawigan niya ang Pampanga.

Napakatalamak ang iligal na droga sa Pampanga at hindi patatalo ang mga iligal na su­gal tulad ng kina Lorie, Nene, Rosvie at  Ricky.

Si Lorie ay may drop ball at color games sa Brgy. San Agustin sa San Fernando City na pinanggalingan ni Albayalde habang meron naman si alyas Nene B. sa Brgy. Mining sa Angeles City.

Meron din si Rosvie Q. sa Brgy. Pampang ng Angeles City at nasa Brgy. Pandan ng parehong lungsod ang kay  Rocky Q.

Ang lalakas ng loob ng apat dahil lantaran ang kanilang iligal na pasugalan ngunit hindi ginagalaw ng mga pulis-Pampanga.

Ang text sa akin ng importante, lantaran ang mga pasugalang ito. Kahit gabi na ay may mga tumataya pa na ang ka­ramihan ay menor-de-edad.

Pukaragat na ‘yan!

Ang dahilan ba kung bakit  hindi ginagalaw ng pulisya ng Pampanga, eh, dahil lalawigan ito ni Albayalde, lalo na ang San Fernando City?

QC, DAVAO CITY MAGKAPATID NA

Pinal nang nagkasundo ang Lungsod Quezon at Lungsod Davao nitong Hulyo 23.

Pinangunahan nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Davao City Mayor Sara Duterte ang paglagda sa kasunduan.

Sabi ni Vice Mayor Joy Belmonte, “…We have witnessed the renewal again of these relations thru a resolution… passed by the Sangguniang Panlungsod last June 2018.”

Sagot naman ni Duterte: “We are truly happy na tinanggap ng Quezon City ang renewal ng sister-cityhood agreement. We look up to Quezon City. Kami kasi sa Davao, tinitingnan namin ‘yung best practices ng ibang cities so that we can improve our public service doon.”

Unang naging ‘magkapatid’ ang dalawang lungsod noong si Ismael Mathay Jr. pa ang alkalde ng Quezon City at si Rodrigo Duterte naman ang mayor ng Davao City.

Kumbinsido si Belmonte na napakalaking bagay ang mu­ling pagkakaisa ng dalawang lungsod, sapagkat makapagtutulungan at magpapalitan sa isa’t isa ng kanilang mayamang kaalaman at karanasan sa pamamahala ng Pamahalaang Lungsod

===

Problema at hinaing n’yo, itawag, o i-txt sa: 09985650271. (BADILLA NGAYON NI NELSON S. BADILLA)