Droga palaman ng tiyan ng patay na baby

Droga palaman ng tiyan ng patay na baby

January 20, 2022 @ 6:30 AM 7 months ago


MEXICO – Naniniwala ang mga pulis sa bansang ito na ginawang drug mule o kargado ng droga ang natagpuang patay na baby sa basurahan ng isang kulungan.

Paliwanag ng mga pulis, may malaking hiwa sa tiyan ng baby at patay na nang matagpuan ito ng isang preso na naghahanap ng mga plastic na bote sa basurahan ng Center for Social Reinsertion sa lalawigan ng Puebla.

Mahiwaga ring nakapasok ang baby sa compound ng kulungan dahil naman ito ipinanganak sa loob nito.

Ipapaloob umano sa masinsin at tahimik ang imbestigation upang lilitaw ang katotohanan.

Kontrobersyal ang kulungan at inimbestigahan na umano ito ng isang human right non-government organisasyon sa mga kasong drug trafficking, pagpapapasok ng mga bayarang babae, kaguluan, riot at korapsyon ng mga jaid gurad. Fred Cabalbag