DROGA, ZERO ANG PUWANG SA CALOOCAN

DROGA, ZERO ANG PUWANG SA CALOOCAN

August 18, 2022 @ 11:42 AM 2 months ago


ANG droga ay malaking balakid sa pag-unlad, tinik sa pag-ikot ng mundo kaya walang bansa ang

hindi kumikilos at nagpupursige para labanan ang salot na problemang ito dahil sinisira ang

pinaka-moral fiber ng lipunan.

Walang pangulo ang ‘di nais maging progresibo ang kanyang bansa kaya’t masalimuot

man at mahirap resolbahin ang salot na droga, kailangan nilang harapin ito, gumawa ng paraan

para mahinto ang problema.

Katunayan, isa sa prayoridad ng isang presidente na binibigyang-pansin ay ang drug

problem – kung paano ito haharapin, anong mga estratehiya ang gagawin para sa ikatatagumpay

ng kanyang giyera laban sa droga.

Kailangan lamang siguro ng isang pangulo o lider ay mag-isip ng estratehiya at bagong

pamamaraan kung paano masugpo ang drug peddlers at paano matulungan ang mga adik

na naging biktima na ng droga.

Pero isang bagay na dapat tandaan ng ama ng bansa, pababa sa local government unit –

mula gobernador, mayor at kapitan ng barangay ay ang salitang ‘political will’ na naging sandata ng ilang

naging successful drug fighters.

In fairness, marami tayong bagong mayors na aninag  ang pagkakaroon ng

political will – isa rito ay si dating kongresista at nalahal na alkalde ng Caloocan na si Mayor Gonzalo Dale ‘Along’ Malapitan.

Sa kanyang pag-upo noong Hulyo 1, ang unang utos niya kay Caloocan City Police chief  P/Col. Samuel Mina ay paigtingin ang laban sa droga at zero- tolerance ang droga sa lungsod.

Kaagad naman nagkaroon ng resulta ang pagtatakwil sa droga ng alkalde kung saan magkasunod na nagkaroon ng dalawang lalaking huli at  kumpiskayon ng P1.3 milyong  droga na nasundan ng isa pa kung saan may nakumpiskang droga na umaabot sa P3.4 milyon.

Isa pang programang nais isakatuparan ni Malapitan at iyon ay ang Caloocan-based Rehabilitation Program na ipapatupad ni Caloocan Anti-Drug Abuse Office chief Sonny Amoyo.

Kamakailan ay may 253 adik ang ‘na-transform’ ang buhay matapos isailalim sa

nasabing rehab program na tuloy-tuloy na isusulong ng CADAO bilang bahagi ng laban sa

droga ng administrasyon ni Mayor Along.

Slowly but truly, nagkakaresulta na ang deklerasyong ‘Walang puwang ang droga at

tulak sa Caloocan’ ni Mayor Along.