Drug allegations vs de Lima, binawi ni Kerwin Espinosa!

Drug allegations vs de Lima, binawi ni Kerwin Espinosa!

April 28, 2022 @ 7:18 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Binawi ng self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa ang lahat ng drug allegations nito laban sa nakakulong na si Senator Leila de Lima.

Sa isang counter-affidavit na isinumite sa Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes, itinanggi ni Espinosa ang kanyang mga sinumpaang salaysay sa pagdinig ng joint committee ng Senado sa pagpatay sa kanyang ama na si Mayor Rolando Espinosa Sr., kung saan sinabi niya na siya ay pinilit, pinressure, tinakot at seryosong pinagbantaan ng pulisya na idawit si de Lima.

“Any and all of his statements given during the Senate hearings, or in the form of sworn written affidavits, against Senator Leila de Lima are not true. He has no dealings with Sen. de Lima and has not given her any money at any given time,” nakasaad sa dokumento.

“Any statement he made against the Senator is false and was the result of pressure, coercion, intimidation and serious threats to his life and family members from the police who instructed him to implicate the Senator into the illegal drug trade,” dagdag nito.

Matatandaang sa serye ng pagdinig ng Senado noong 2016, tumestigo si Espinosa na sangkot si de Lima sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison noong siya ay kalihim pa ng DOJ sa ilalim ng administrasyon ng namayapang Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.

Inakusahan pa niya ang senadora na nagbigay sa kanya ng kabuuang P8 milyon para sa kanyang senatorial campaign sa pamamagitan ng dati niyang driver at security aide na si Ronnie Dayan.

Pero sa kanyang counter-affidavit, ipinaliwanag ni Espinosa na wala siyang ibang opsyon kundi mag-imbesto ng istorya dahil sa takot para sa kanyang buhay at kanyang pamilya.

Sinabihan umano siya na makipag-cooperate dahil kung hindi ay dadanasin din niya at ng iba pang miyembro ng kanilang pamilya ang naging kapalaran ng kanyang ama.

Magugunitang 2017 pa nang makulong si de Lima, ang mambabatas na nanguna sa Senate inquiry hinggil sa alegasyong extrajudicial killings sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Sa tatlong kasong naisampa laban kay de Lima, isa na ang naibasura ng Muntinlupa court.

Samantala, ikinatuwa naman ng abogado ni de Lima na si Atty. Filibon “Boni” Tacardo, ang ginawa ni Espinosa na aniya’y patunay lamang nag awa-gawa ang mga testimonya at ebidensya laban sa senador.

“We hope that other witnesses will also come out and confess how they were intimidated, coerced, and bribed into making false testimonies against the good Senator and if possible, name those who actively participated in coercing them to come up with such ridiculous narratives against the good Senator,” dagdag niya. RNT/ JCM