Drug cases sa Korte pwede nang idaan sa plea bargaining agreement

Drug cases sa Korte pwede nang idaan sa plea bargaining agreement

December 16, 2022 @ 12:51 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Maaari na muli maghain ng plea bargaining agreement ang mga akusado sa iligal na droga.

Ang plea bargaining ay isang proseso sa lahat ng kasong kriminal kung saan ang akusado at ang piskal ay maaring magkasundo na maghahain ng guilty plea para sa mababang sentensya o para sa ikabibilis na matapos ang isang kaso.

Ayon kay Public Attorney’s Office Chief Persida Rueda Acosta, batay na rin ito sa 2 pahinang circular na pirmado ni Supreme Court (SC) Court Administrator Raul Villanueva para sa lahat ng regional trial courts na humahawak ng drug cases.

Batay sa nasabing circular, ang plea bargaining ay dapat na pormal na ihain sa korte sa pamamagitan ng isang mosyon.

Hindi pasok dito ang mga akusado na habitual offender o kilalang drug addict sa kanilang lugar at dati ng sumailalim sa rehabilitation o may ebidensyang magtuturo na guilty ito sa kaso.

Ikinatuwa naman ito ni Acosta dahil karapatan naman kasi aniya ng isang preso na pumasok sa plea bargaining agreement.

May iba naman kasi aniyang nasasangkot sa kaso ng iligal na droga ay biktima lang. Teresa Tavares