Drug den sa Subic sinalakay, 6 huli sa aktong sumisinghot

Drug den sa Subic sinalakay, 6 huli sa aktong sumisinghot

March 23, 2022 @ 1:00 PM 3 months ago


SUBIC, Zambales- Arestado ang anim na kalalakihang adik ng shabu sa aktong sumisinghot matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang drug den Martes sa bayang ito.

Kinilala ang mga nadakip na sina Gilbert Encomeo, 32, drug den maintainer, ng Purok 6A, Peñaranda St., Brgy. Calapacuan, Subic, Zambales; Marco Copones, 30, La Union St., Brgy. Barretto, Olongapo City; Randy Oberes, 30, Brgy. Naugsol; Danjon Bamba, 33, Brgy Calapacuan ng Subic; Rigel Tagulao, 27, La Union St. Barretto, Olongapo City; at Ruvi Adaniel, 40,  Gordon heights, Olongapo City.

Batay sa report ng PDEA Zambales Provincial Office, madaling araw ng Martes nadakip ang mga suspek sa Purok 6A, Penaranda St., Brgy Calapacuan, Subic.

Ayon sa pulisya nakatanggap sila ng report hinggil sa drug den sa nasabing lugar at dinarayo ito ng mga adik.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 6-na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng higit sa 13 gramo ng hinihinalang shabu; assorted drug paraphernalia; at buy-bust money.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. Mary Anne Sapico