Drug den sa Subic winasak; 4 arestado

Drug den sa Subic winasak; 4 arestado

March 27, 2022 @ 4:00 PM 3 months ago


SUBIC, Zambales –Arestado ang apat katao kabilang ang maintainer sa isa na naman drug den na sinalakay ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Subic-PNP Sabado sa nasabing bayan.

Kinilala ang mga nadakip na sina Saad Mohammad, maintainer at residente ng Purok 6A, Sitio Yagit, Brgy. Calapacuan, Jayson Santos Olongapo City, 37; Fernando Ramos; 54 at Coro Jawatan, pawang residente sa Brgy. Calapacuan, Subic, Zambales.

Batay sa report ng Subic-PNP, sinalakay ang drug den Purok 6A, Sitio Yagit, Brgy. Calapacuan na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakuha sa mga ito ang 13 heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng higit sa 15.80 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P109, 020.00, assorted drug paraphernalia at buy-bust money.

Ang pagkakadakip sa mga suspek ay bunsod na pagkahuli sa anim na suspek kamakailan sa sinalakay na drug den sa Purok 6A, Penaranda St., Brgy Calapacuan, Subic.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek./Mary Anne Sapico