Drug den sa Taguig sinalakay; High value target, 7 iba pa arestado!

Drug den sa Taguig sinalakay; High value target, 7 iba pa arestado!

July 5, 2022 @ 6:01 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng Southern Police District-District Drug Enforcement Unit (SPD-DDEU) at ng SPD-District Investigation Division (SPD-DID) ang pinaghihinalaang drug den kung saan nasakote ang isang high value individual (HVI) at pitong iba pa nitong Hunyo 5 (Martes).

Kinilala ni SPD director P/Brig. Gen. Jimili Macaraeg ang mga arestadong suspects na pinangunahan ng HVI suspect na si Alfatha Tangurak Sumandal, 21, mekaniko; Norhadz Osmeña Ali, 21; Arnold Abarasa Milgaril, 40; Fernan Torzar Rodriguez, 27; Richard Manansala, 25; Paul John Torzar Rodriguez, 22, vendor; Ernesto Garcia Pascual, 39, construction worker; at isang Tony Uda Watamama, 50.

Base sa report na natanggap ni Macaraeg, ikinasa ang naturang operasyon at sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng DDEU at ng DID di-umano’y drug den dakong alas 5 ng umaga sa Purok 9 PNR Site, FTI Compound, Barangay Western Bicutan, Taguig.

Sa isinagawang operasyon ng mga opratiba ay nakakumpiska ang mga ito ng 11 plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at tumitimbang ng 51 gramo na nagkakahalaga ng P346,800 at ang ginamit na buy-bust money na P500.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng SPD-DDEU ang mga suspects para sa kanilang dokumentasyon habang inihahanda laban sa kanila ang isasampang kaso na paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

“With the constant arrest of illegal drug personalities, drug traders will have less opportunity to spread their illegal activities in our area. Job well done and continue your hard work for a safer Southern Metro,” ani Macaraeg. James Catapusan