Drug den sa Tarlac sinakalay; 6 himas-rehas

Drug den sa Tarlac sinakalay; 6 himas-rehas

August 12, 2022 @ 10:35 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ang anim na durugista matapos ang ginawang pagsalakay nang pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Tarlac Provicial PNP kagabi sa bayan ng Camiling, Tarlac.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga dinakip na sina Ian Tiamzon, 32 anyos, Dextie Dizon, 43, Arnel Elenzano, 35, kapwa residente ng Barangay Poblacion, Camiling, Tarlac; Ricarte Prudencio, 30, ng Brgy. Bangkay, Camiling, Tarlac; Kacy Chris Gorospe, 31, ng Brgy. San Isidro, Camiling, Tarlac; at Jeffrey Pascual, 36, nakatira sa Brgy. San Miguel, Tarlac City.

Base sa ulat, ikinasa ang buy-bust operation Huwebes ng gabi sa Barangay Poblacion, Camiling Tarlac.

Isang ahente ng PDEA ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang mga suspek na nasa loob ng drug den.

Nakumpiska sa anim, ang pitong transparent sachet na naglalaman ng 20 gramo ng shabu na may halagang P136,000, samu’t-saring drug paraphernalia’s gayundin ang buy-bust money.

Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug of 2002. Jan Sinocruz