Drug lab sa Cainta, nadiskubre sa tulong ng Lalamove rider; 1 nadakip, 1 nakatakas

Drug lab sa Cainta, nadiskubre sa tulong ng Lalamove rider; 1 nadakip, 1 nakatakas

January 8, 2021 @ 10:31 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

RIZAL – Sinalakay ng Philippne National Police  Drug Enforcement Group Special Operation Unit ang isang apartment na ginawang kitchen-type drug laboratory matapos isuplong ng Lalamove rider.

Ayon sa pulisya, arestado ang isang babae na kinilalang si Khystyn Almario Pimentel, 30-anyos, nagtatrabaho sa isang  curriculum quantrics sa Taytay, Rizal bandang alas-6 ng gabi sa Sampaguita St., Kabisig, sa Flodway, sa Cainta.

Nakatakas naman ang isa pang suspek na sinasabing may bitbit na bag matapos na mamonitor ang pagsalakat ng mga pulis gamit ang CCTV.

Ayon sa ulat ng pulisya, nadiskubre ang gawa-gawang drug lab ng isang Lalamove driver matapos na magpadeliver umano ang mga suspek ng biskwit sa Maynila.

Nang dumating ang driver sa para kunin ang idedeliver sanang pagkain, bubuksan sana ng rider ang orange na bag na sinasabing may lamang biskwit para i-check ito ay agad siyang pinigilan ng suspek.

Nagduda ang rider at agad na inireport ito sa Cainta Police.

Nang buksan ng pulisya ay bumuluga umano ang sinasabing droga kaya agad na nagkasa ng operasyon.

Nasamasam umano sa loob ng bahay ang walong transparent plastic sachet naglalaman ng mahigit libong ecstacy na may iba’t ibang kulay, marijuana, iba’t ibang bote na naglalaman ng pure accitone na sinasabing sangkap sa shabu, isang platick sealer, apat na bondle na empty plastic shachet, isang big size trasparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at dalawang pirasong small transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu. Maritess Pumaras


  •  
  •  
  •  

Loading...