Drug manufacturers magsusuplay ng paracetamol ngayong linggo – DTI

Drug manufacturers magsusuplay ng paracetamol ngayong linggo – DTI

January 5, 2022 @ 1:01 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Tiniyak ni Trade Secretary Ramon Lopez na magsusuplay na ng bagong stocks ng mga brand ng paracetamol ngayong linggo.

“Di nila inaasahan ang pagdagsa ng demand mula Jan. 1 at ang normal inventory sa mga tindahan hindi nakahanda sa dagsa ng demand kaya nagkaroon ng out of stock,” ani Lopez sa ABS-CBN’s Teleradyo.

“Asahan natin within the week sila ay magrereplenish na ng kanilang delivery.”

Hinikayat din ni Lopez ang publiko na huwag mag-panic buying dahil may sapat na gamot para sa flu.

“Inassure tayo na maraming stock at it’s a matter of replenishing lang ulit.”

“‘Wag magpanic ang ating mga kababayan, siguro pag may nakita sila ‘wag pakyawin, bilhin lang ang pangangailangan dahil inassure tayong may supply dahil dito minamanufacture yan eh,” dagdag pa nito.  RNT/FGDC