Drug money ‘wag gamitin sa eleksyon – Duterte

Drug money ‘wag gamitin sa eleksyon – Duterte

February 9, 2022 @ 10:21 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa paggamit ng pera mula sa ilegal na droga sa eleksyon.

“Do not let drug money be used to influence the ongoing campaign and the outcome of the May 2022 elections and the ongoing campaign,” ayon kay Pangulong Duterte.

Sinabi ng Chief Executive na hindi naman lingid sa lahat na bumabaha at napapasok ng drug money ang local government units sa tuwing sumasapit ang eleksyon.

“Now, I say this because in every election, henceforth sa akin pati itong lahat na dumadating, nandiyan kasi yung drug money. And drug money has penetrated local government units,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Giit ng Pangulo na alam ito ng mga Alkalde.

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay nabanggit niya nang pag-usapan ang ukol sa posibilidad na pag-endorso niya ng presidential candidate kung makakakita siya ng “compelling reason” para baguhin ang kanyang pag-iisip at desisyon na suportahan ang isang kandidato subalit sa ngayon ay wala pa siyang napipisil na kahit na sinuman para suportahan.

Sa kabilang dako, inulit naman ni Nograles ang panawagan ng Pangulo na patas at maayos na eleksyon.

Sinabi rin ni Nograles ang paalala ng Pangulo sa publiko na umiwas sa drug money away mula sa nalalapit na national elections.

“Let’s keep our elections fair, orderly, peaceful, and safe. Let us follow all the guidelines in terms of minimum public health standards at the guidelines of the Comelec (Commission on Elections), let’s follow and obey all the rules, regulations, and laws of the land and ang isa ring warning ni Pangulo (and one of the warning of the President(sad) do not let drug money penetrate this election and this ongoing campaign,” ayon kay Nograles. Kris Jose