DRUG PUSHER SA ANTIPOLO BALIK-BALIK SA KULUNGAN

DRUG PUSHER SA ANTIPOLO BALIK-BALIK SA KULUNGAN

July 13, 2022 @ 6:07 PM 4 weeks ago


NGAYON mga pare koy,bigyan natin ng daan itong reklamo ng isang concern citizen ng Antipolo,Rizal na tawagin na lang natin sa pangalang “Aling Nene” ng Sitio,PLDT,Barangay Inarawan Antipolo City,Rizal.
Isinusumbong ni Aling Nene itong kanyang kapitbahay na bagong laya sa kulungan pero kamakailan lang daw ay pumasok sa kulungan dahil sa pagiging talamak nito sa drugs o droga. Kapag lango o bangag sa droga ang kapitbahay na ito pati ang kinakasamang babae ay minamaltrato at maging ang anak ng huli ay sinasaktan din. O di ba, gunggong talaga? .
Minsan na raw isinumbong ni Aling Nene ang naturang addict sa kanilang barangay at kalapit na istasyon ng pulisya pero hindi man lamang hinuli o pinuntahan ng mga kagawad ng barangay at kagawad ng pulisya ng Antipolo,Rizal.
Nakikiusap at nanawagan si Aling Nene sa mga otoridad na sana ay mabigyan ng aksyon ng pulisya at kalipunan ng Barangay ang kanyang mga reklamo dahil sa pati ang mga bata na walang kamalay-malay sa naturang bisyo ay naeengganyong na gumamit.
Kung hindi raw tugunan ng mga kinauukulan ng Antipolo City, baka naman ang pamunuan ni Secretary of Interior and Local Government Benhur Abalos ay matigatig sa panawagan niya, ayon kay Aling Nene.
Dagdag pa nga ni Aling Nene, walang silbi naman ang barangay nila sa Inarawan kaya mabuting paimbestigahan na rin ang chairman upang mabatid kung nalalagyan ito ng kanyang kapitbahay.
PASUGALAN NA MAY BASBAS
Silipin natin itong pa-bookies ni alyas Pacia sa Pandacan. Namamayagpag umano ito sa mga nasasakupan ng Presinto ng Manila Police District tulad ng Presinto 10, 6,1 at 4 na kung saan ay hindi hinuhuli ng mga operatiba sa halip ay hinihingian ng weekly tong collection.