Drug suspek, sugatan matapos sumalpok sa barangay mobil sa QC

Drug suspek, sugatan matapos sumalpok sa barangay mobil sa QC

July 3, 2018 @ 6:32 AM 4 years ago


 

Quezon City – Sugatan ang isang hinihinalang drug suspek matapos sumalpok sa barangay patrol ang kaniyang minamanehong motor sa barangay Holy Spirit, Quezon City kaninang bandang alas-onse bente kagabi.

Kinilala ang lalaki na si Elmer Madella, 39-anyos at nakatira sa Replublic Ave ng naturang barangay.

Bumangga ang sinasakyang motor ni Madella sa barangay mobile nang subukan umano nyang tumakas sa oplan sita ng pulisya sa lugar.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act ang naturang suspek.