Drug suspek utas sa engkuwentro sa QC-CIDG

Drug suspek utas sa engkuwentro sa QC-CIDG

July 27, 2018 @ 4:38 PM 5 years ago


 

Quezon City – Utas ang isang hinihinalang drug suspek sa engkuwentro sa pagitan ng mga operatiba ng Quezon City Criminal Investigation and Detection Group (QC-CIDG) sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Quezon City kagabi Hulyo 26, 2018 (Huwebes).

Ayon sa ulat ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Joselito Esquivel Jr., kay NCRPO Director, Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo Eleazar – nakilala ang nasawing suspek sa kanya lamang pangalan na Jonathan alyas Joey, nasa pagitan ng 20-25 anyos, 5’6 ang taas, nakasuot ng kulay brown na t-shirt at gray jogger pants.

Sinabi sa ulat ng Quezon City Police District isang buy-bust operation ang ikinasa ng mga operatiba ng QC-CIDU laban sa suspek at sa kanyang kasama na nakilalang si Ricky Peralta dakong alas 11:00 kagabi sa kahabaan ng C.P. Garcia Avenue Northbound, Brgy. U.P. Campus, QC.

Isa umanong undercover na pulis ang nagpanggap na poseur buyer na bibili ng shabu sa suspek, subalit habang nagaganap ang transaksyon nakatunog umano ang suspek na pulis ang kanyang katrangsaksyon kaya bumunot ito ng baril at pinaputukan ang operatiba na nagresulta sa pagkakasawi ni Jonathan habang nakatakas naman ang kanyang kasama sakay ng motorsiklo.

Narekober mula sa nasawing suspek ang isang (1) colt government model cal. 45 at bala nito, isang (1)  Smith and Wesson cal. 38 at bala, isang cellphone, P10,000 boodle money at buy-bust money. (Santi Celario)