Drug syndicate posibleng utak ng pananambang sa Lanao del Sur gov, iba pa – pulis

Drug syndicate posibleng utak ng pananambang sa Lanao del Sur gov, iba pa – pulis

February 21, 2023 @ 3:26 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinisilip ng mga imbestigador ang posibilidad na isang drug syndicate ang nasa likod ng February 17 ambush sa convoy ni Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr.

Batay sa ulat nitong Martes, sinabi ng mga pulis na tinututukan nila sa ngayon ang pitong suspek na hinihinalang miyembro ng drug syndicate.

Pinagbabaril ng grupo ang convoy ni Adiong na posible umanong dahil sa kanyang kampanya laban sa iligal na droga.

Nitong February 17,winasak ng mga awtoridad ang P5 milyong halaga ng marijuana sa isang taniman sa bayan ng Maguing.

Sa parehong araw, inatake ng hindi nakilalang gunmen ang convoy ni Adiong sa Kalilangan, Bukidnon, kung saan napatay ang apat niyang kasama.

Kinilala ang mga namatay na sina Police Staff Sergeant Mohammad Jurai Mipanga Adiong, 40; Police Corporal Johanie Lawi Sumandar, 39; Police Corporal Jalil Ampuan Cosain, 40, at isang kinilala lamang bilabng Kobi.

Nagtamo naman ng tama ng bala si Adiong at dalawa niyang staf. RNT/SA