Drug war itutuloy ng DILG sa ilalim ng Marcos admin – Abalos

Drug war itutuloy ng DILG sa ilalim ng Marcos admin – Abalos

July 4, 2022 @ 6:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos nitong Lunes na ang drug war sa ilalim ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay magiging kasing igting ng mga pagsisikap ng nakaraang administrasyon.

“The war against drugs will be as intensive as before on the basis of my oath as a public official in accordance with the Constitution,” ani Abalos sa siang press conference.

Nang tanungin ukol sa posibleng partisipasyon ng DILG sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa drug war killings sa ilalim ng Duterte administration, sinabi niya na hindi pa ito natatalakay.

Dismayado naman si Abalos sa mga ibinasurang kaso kaugnay ng iligal na droga dahil sa technicalities kagaya ng hindi pagdalo ng saksaki sa imbentaryo ng mga operasyon.

Sa ilalim ng Section 21 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,  kinakailangang lumagda ng elected public official at kinatawan ng National Prosecution Service o media ssa kopya ng inventory.

Kaugnay nito, hinikayat ni Abalos ang local government units na magtalaga ng isang tauhan mula sa National Prosecution Service para rito.

Inirekomenda rin ni Abalos na isali ang mga kabataan, magulang, paaralan, simabahan, at mga komunidad sa “people power” laban sa iligal na droga.

“Kasama mo ang mga bata, eskwelahan, simbahan, magulang, community so it is people power against drugs and other social ills,” aniya.

Samantala, sinabi ni Abalos na tututukan ng DILG ang pagtatayo ng mas maraming mga kulungan upang maibsan ang siksikan ng mga preso. RNT/SA