Drug war killings ‘di dumoble sa pandemya – Cascolan

Drug war killings ‘di dumoble sa pandemya – Cascolan

September 16, 2020 @ 1:05 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Camilo Pancratius Cascolan na hindi dumoble ang kaso ng mga pagpatay sa usapin laban sa droga ngayong pandemya, ayon sa ulat.

“That’s not true. The figures did not double during the COVID infection or time frame,” lahad ni Cascolan.

“What I would want to tell you is just it increased for at least nine or from 200, I think, to 210,” punto pa nito.

Nag-ugat naman ang naturang reaksyon sa inilabas na pahayag ng Human Rights Watch (HRW) na nadagdagan ng 50 porsyento ang mga nasawi sa war on drugs sa pagitan ng Abril hanggang Hulyo ngayong taon.

Sa panig naman ni Cascolan, hindi nila iisponsoran ang mga patayan sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Hindi aniya dapat patayin ang small-time drug users bagkus maging daan para mahuli ang iba pang sangkot sa droga. RNT/FGDC 


  •  
  •  
  •  

Loading...