Drug war ng dating admin, ipinagtanggol ng mga solon

Drug war ng dating admin, ipinagtanggol ng mga solon

February 17, 2023 @ 7:28 AM 1 month ago


MANILA, Philippines — Labing siyam (19) na mambabatas sa pangunguna ni dating Pangulong at ngayon ay House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo upang magpakita ng matinding suporta at pagtatanggol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa gitna ng napipintong imbestigasyon sa “drug war” na isinusulong ng International Criminal Court (ICC).

Sa pamamagitan ng House Resolution No. 780 na inihain ni Arroyo ay ipinamalas ng mga mambabatas ang pagdepensa kay Duterte sa pagsusulong ng ICC na maimbestigahan ang kampanya ng nagdaang administrasyon laban sa iligal na droga.

Magugunitang inakusahan ng ICC ang dating pangulo ng “crimes against humanity” bunsod ng reklamo ng mga kaanak ng mga biktima ng kampanya laban sa droga kung saan marami ang mga nasawi.

“Whereas, after a panel of judges at the [ICC] in the Hague authorized the Office of the Prosecutor to resume its investigation into alleged crimes against humanity in the Philippines, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla declared, ‘They are insulting us’, at aniya’y hindi katanggap-tanggap ang kaso.

Binanggit sa resolusyon na “Now, therefore, be it resolved as it is hereby resolved, that the House of Representatives declares unequivocal defense of Former President Rodrigo Roa Duterte, the 16th President of the Republic of the Philippines, in any investigation and/or prosecution by the ICC.”

Kabilang sa mga lumagda sa HR No. 780 sina Reps. Carmelo Lazatin II (Pampanga, 1st District); Aurelio Gonzales (Pampanga, 3rd District); Anna York Bondoc-Sagum (Pampanga, 4th District) ;Jose Alvarez (Palawan, 2nd District); Mary Mitzi Cajayon – Uy (Caloocan, 2nd District); Richard Gomez (Leyte, 4th District); Wilton Kho (Masbate, 3rd District) ;Loreto Amante (Laguna, 3rd District); Edward Hagedorn (Palawan, 3rd District); Edwin Olivarez (Parañaque, 1st District); Eric Martinez (Valenzuela 2nd District) ; Eduardo Rama Jr. (Cebu, 2nd District) ; Dale Corvera (Agusan del Norte, 2nd District); Zaldy Villa (Siquijor); Ma. Rene Ann Lourdes Matibag (Laguna, 1st District); Mohamad Khalid Dimaporo (Lanao del Norte, 1st District); Johnny Pimentel (Surigao del Sur, 2nd District) at Marlyn Primicias – Agabas (Pangasinan, 6th District).

Bagama’t umani ng batikos si dating Pangulong Duterte dahil sa drug war ay iginiit ng mga mambabatas na malaki ang naiambag ng dating Pangulo sa kapayapaan at kaayusan ng bansa. Meliza Maluntag