Drug war ni PBBM sa unang 100 araw sa pwesto, ‘di madugo

Drug war ni PBBM sa unang 100 araw sa pwesto, ‘di madugo

October 5, 2022 @ 1:26 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinangatawanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang sinabi na gagamit siya ng holistic approach sa pakikipaglaban sa illegal na droga.

Habang kinikilala ni Pangulong Marcos ang pagtutok ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa “enforcement side,” iginiit ng Chief Executive ang paggamit ng holistic approach sa pagharap sa banta ng ipinagbabawal na gamot.

“And let us also look at prevention. Let us — education to our young people to say that you know this is a dead end. This will get you absolutely nowhere. It will get you in jail. It will get you killed. And even if it does not do that, this will take away your future,” ang wika ng Pangulo.

“And second part of that is cure. To be more sensitive and more sympathetic to those who actually have gotten caught up in this lifestyle. And so that is something that we are now promoting. We are trying to learn which are the best methods now to pull our victims… pull them out of that culture and to help them start again and do live a good life as good and constructive members — contributing members of society,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

Gayunman, sinabi pa ni Marcos na hindi titigil ang pamahalaan sa paglansag sa mga high-value targets at big-time suspects.

“I simply told them ‘look I’m not interested in the kid who makes 100 pesos a week selling weed’. That’s not the person that I want you to go after. I want you to go after people who — if we get them, if we neutralize them, or put them in jail, we put them away, whatever it is — will make an actual difference so that the supply of drugs, the system of distribution, the system of importation of drugs because much of it really does come from abroad. That will actually make a difference, it will put a stop to it. And that’s what we are working on right now,” litaniya ng Pangulo.

Nauna rito, sinabi ng Pangulo na layon niyang walisin ang illegal drug problem na sumisira sa maraming buhay at nagreresulta ng iba pang problema sa lipunan tulad ng krimen.

Ang Philippine National Police (PNP), nagsisilbing forefront ng krusada ay patuloy na nakikipagtulungan sa ibang law enforcement agencies at hindi nag-aaksaya ng panahon na tugisin ang mga sangkot sa nasabing nefarious activity.

Matatandaang, sa mga unang buwan ng administrasyong Marcos, nakapagtala ang PNP ng kabuuang P1.95 billion halaga ng illegal drugs na kanilang nasamsam.

Kabilang na rito ang 202.38 kilo ng shabu; 365.4 kilo ng dried marijuana leaves; mahigit 2.6 milyong piraso ng fully grown marijuana plants, at 37.57 gramo ng kush o high-grade marijuana.

May kabuuang 12,309 sting at search warrant operations na nagresulta ng pag-aresto sa 14,737 suspects habang 28 armed suspects ang napatay matapos na manlaban nang arestuhin.

“The period covers the first 17 days of September where the PNP recorded zero deaths in the conduct of 1,790 operations — an indication that the government does not tolerate extrajudicial killings, particularly among drug offenders,” ayon sa ulat.

Samantala, magugunitang sa naging talumpati ng Pangulo sa naging pulong nito sa Asia Society sa New York noong nakaraang buwan, sinabi ni Pangulong Marcos na nais niyang suriing mabuti at matuto ng leksyon mula sa nakalipas na administrasyon pagdating sa usapin ng pagsusulong sa anti-drug campaign. Kris Jose