DRUGS EVERYWHERE, ANYARE SA PNP?

DRUGS EVERYWHERE, ANYARE SA PNP?

November 15, 2022 @ 11:40 AM 2 weeks ago


NOONG Sabado, Nobyembre 12 ay laman ng balita ang mag-asawa sa Mindanao na nahulihan ng kilo-kilong shabu na ayon sa Philippine National Police ay nagkakahalaga ng P251 milyion.

Yan ang latest na news tungkol sa kapansin-pansin na pagbabalik ng problema sa droga na noong Duterte Administration ay nilabanan at unti-unting na-neutralize.

Kundi drug haul, halos araw- araw ay napakaraming pushers at addicts ang nahuhuli sa isinasagawang police drug operations sa iba’t ibang mga lugar sa bansa.

Kahit saang sulok ng Luzon, Visayas at Mindanao ay laganap ang droga, karaniwan ay shabu kaya ‘di nakakapagtakang napakarami rin ang nasisilong mga pushers at addicts.

Makatindig balahibo ang tone-toneladang shabu na nakumpiska at libo-libo nang bilang ng mga pusher at adik na nadadakip tuwing may drug operation ang awtoridad.

Pero ang nakababahala na dapat ikatakot ng sambayanan ay ang mga tinatawag na bad eggs sa PNP na nakontrol ng Duterte leadership pero ngayo’y patagong nagbabalik.

Ito yaong binansagang ‘ninja cops’ na gumagawa ng diskarte para makapangotong o magkapera na hindi isinasaalang-alang ang kanilang pagiging alagad ng batas.

Sa kanila’y balewala ang batas, hindi natatakot na i-recycle, ibenta ang mga nakukumpiskang shabu at makipagkutsabahan sa drug syndicate kapalit ng malaking halaga ng pera.

Sa isang drug bust kamakailan, isang bilyong halaga ng shabu ang nakuha sa isang active na miyembro ng PNP na sa kalaunan ay ibinulgar ang involvement ng dalawang police generals.

Hindi pa kumpleto ang PNP report, pero ayon sa ating insider, ang bilyong shabu na yan ay bahagi ng previous drug bust na hindi idineklara, bagkus itinago para gawing pera.

Mantakin mo kung hindi nadiskubre at nahuli ang tone-toneladang shabu na yan, imagine mo na lang ang dami nang madadagdag na mga adik kapag naikalat sa kalsada.

Sa nangyayaring ito, nakikitang malambot si PGen. Rodolfo Azurin Jr. Sa lumalalang problema ng droga, aba’y mami-miss mo si Former President Digong.

Kasi nga kahit saan ka bumaling, nagkalat ang drugs na ayaw na ayaw ni dating Pangulong Digong.
Gen Azurin..Sir.. anyare sa PNP?