Dry run ng face-to-face classes sa low-risk areas, aprubado na ni PRRD

Dry run ng face-to-face classes sa low-risk areas, aprubado na ni PRRD

December 14, 2020 @ 9:01 PM 1 year ago


MANILA, PHILIPPINES – Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsasagawa ng pilot implementation ng face-to-face classes sa ilang piling eskuwelahan sa mga ikinokonsiderang low-risk area sa COVID-19.

Sa Cabinet meeting, ngayong gabi, Disyembre  14, 2020, inaprubahan ng Chief Executive ang presentasyon ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng pilot implementation o dry run ng face-to-face classes sa piling ilang eskuwelahan sa mga lugar na  low COVID-risk para sa buong buwan ng Enero  2021.

Makikipag-ugnayan ang DepEd sa COVID-19 National Task Force (NTF) para sa pagmo-monitor ng isasagawang pilot implementation.

“The pilot shall be done under strict health and safety measures, and where there is commitment for shared responsibility among DepEd, local government units and parents,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Aniya, kailangang bigyang-diin ng pamahalaan na ang face-to-face classes sa mga eskuwelahan na papayagan ang ganitong sistema ay hindi compulsory kundi  voluntary sa panig ng mag-aaral at magulang.

“Having said this, a parent’s permit needs to be submitted for the student to participate in face-to-face classes,” diing pahayag ni Sec. Roque. Kris Jose