Dry run ng motorcycle lane sa Commonwealth kasado na!

Dry run ng motorcycle lane sa Commonwealth kasado na!

March 8, 2023 @ 2:57 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sisimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority bukas, Marso 9 ang dry run sa pagpapatupad ng matagal nang planong motorcycle lanes sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ayon sa MMDA, magtatagal ang dry run hanggang Linggo, Marso 12 kung saan ilalagay ang exclusive motorcycle lanes sa ikatlong lane mula sa sidewalk ng Commonwealth Avenue mula sa Elliptical Road hanggang makarating ng DoƱa Carmen at pabalik.

Layunin ng dry run ani MMDA Acting Chairman Don Artes na maging pamilyar para sa mga motorcycle rider na dumadaan sa Commonwealth Avenue ang ipatutupad na polisiya.

Samantala, nilinaw ng MMDA na walang huhulihing motorista kasabay ng pagsasagawa ng dry run.

Ang mahigpit na implementasyon ng exclusive motorcycle lanes sa Commonwealth Avenue ay magsisimula sa susunod na linggo pagkatapos ng dry run.

Kasabay nito, asahan ang multang nasa P500 para sa mga lalabag sa polisiya. RNT/JGC