Dry run sa bagong traffic scheme sa Elliptical Road, ikakasa

Dry run sa bagong traffic scheme sa Elliptical Road, ikakasa

October 22, 2022 @ 1:25 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ikakasa ngayong araw, Oktubre 22 ang dry run ng bagong traffic scheme na paiiralin sa bahagi ng Elliptical Road, Visayas Avenue at North Avenue sa Quezon City.

Kasabay nito ay inumpisahan na ng mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng Quezon ang paglalagay ng plastic barrier sa kanto ng North at Visayas Avenue na gagawing pansamantalang intersection island.

Layon ng bagong traffic scheme na maiwasan ang pag-eembudo ng mga sasakyan tuwing rush hour at upang maiwasan na rin ang swerving o biglaang paglipat ng lane ng mga motorista.

Dagdag pa, ang mga motoristang liliko pa-kanan ay dapat na manatili na sa kanang lane.

Pag-aaralan pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung ano ang magiging resulta ng bagong traffic scheme at gagawan ng adjustment linggo-linggo.

Sa kasalukuyan ay nakapwesto ang mga traffic enforcer upang magmando sa daloy ng trapiko.

Nakatakdang aktwal na ipatupad ang bagong traffic scheme sa Lunes, Oktubre 24. RNT/JGC