Dry run sa exclusive motorcycle lane, extended ‘gang Marso 26 – MMDA

Dry run sa exclusive motorcycle lane, extended ‘gang Marso 26 – MMDA

March 17, 2023 @ 5:33 PM 7 days ago


MANILA, Philippines – Pinalawig pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dry run ng exclusive motorcycle lane sa Commonwealth, Quezon City.

Sa abiso, sinabi ng MMDA na pinalawig ng isa pang linggo ang dry run, o hanggang Marso 26.

Ito ay upang bigyang daan ang patching works ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at makapagbigay ng mas mahabang oras sa mga motorista na maging pamilyar sa polisiya.

“We opt to continue the dry run of the exclusive motorcycle lane along Commonwealth Ave. from Elliptical Road to Doña Carmen and vice versa until March 26,” sinabi ni MMDA acting chairman Don Artes.

“In coordination with the DPWH, their patch works in the area will continue to address the issues on the said road,” dagdag pa niya.

Matatandaan na nagsimula noong Marso 9 ang dry run ng designated motorcycle lane, at sisimulan na sana sa Marso 20 ang full implementation nito at ang lalabag ay pagmumultahin ng P500.

Ayon sa MMDA, ang exclusive motorcycle lane ay nakalagay sa ikatlong lane mula sa sidewalk ng Commonwealth Avenue.

Layon nitong mabawasan ang mga road-crash incidents at mapabilis ang daloy ng trapiko.

Mula Marso 9 hanggang 16, kasabay ng dry run, mayroong 9,757 motorcycle riders at four-wheel private vehicle ang nasita ng MMDA.

Ani Artes, patuloy nang isinasaayos ng DPWH ang mga lubak sa lugar.

Target din ng MMDA na maglagay ng reflector at solar street lamps upang mas maging maliwanag sa lugar. RNT/JGC