Dry run sa ilalagay na zipper lane sa Quezon Ave sinimulan na

Dry run sa ilalagay na zipper lane sa Quezon Ave sinimulan na

December 3, 2022 @ 4:27 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinimulan na ngayong araw, Disyembre 3 ang dry run bilang paghahanda sa ilalagay na zipper lane sa westbound lane ng Quezon Avenue, Quezon City simula Lunes, Disyembre 5.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang zipper lane ay gagamitin sa mga motorista simula ala-6 ng umaga hanggang ala-8 ng umaga.

Ang mga sasakyan ay maaaring pumasok sa ilalagay na zipper lane simula sa tapat ng Lung Center of the Philippines at tatawid ng EDSA underpass hanggang sa U-turn slot sa tapat ng Providence Hospital.

Layunin ng DOTR sa implementasyon ng zipper lane ay ang pag-aaral sa posibleng epekto nito sa kasalukuyang daloy ng trapiko sa Elliptical Road at Quezon Avenue sa paglalagay ng mga aktibo at pampublikong imprastruktura na magbibigay benepisyo sa lahat ng gagamit nito. RNT/JGC