DSWD: 2.1M indibidwal apektado sa hagupit ni ‘Paeng’

DSWD: 2.1M indibidwal apektado sa hagupit ni ‘Paeng’

October 31, 2022 @ 2:56 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tinatayang may 2.1 milyong indibidwal o  560,000 pamilya ang apektado ng  Severe Tropical Storm Paeng.

Sinabi ni  Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Edu Punay, mayroong 297,341 o 75,168 pamilya sa  3,208 evacuation centers sa buong 17 rehiyon.

“We have distributed P48.1 million of food and non-food items so far and the distribution is still ongoing,” ayon kay Punay.

Maliban sa food at non-food items, sinabi ni Punay na ang  DSWD ay magbibigay ng tulong sa mga pamilya na nawalan ng kanilang mahal sa buhay dahil kay Paeng at maging sa mga nawalan ng tahanan at nasaktan.

“These [other forms of assistance] will be under the Assistance to Individuals in Crisis Program of DSWD. Inuuna lang po natin itong basic necessities such as food and shelter for now,” wika ni Punay.

May  3,064 bahay ang sinira ni  Paeng.

Inulit naman ni Punay ang naging panawagan ng DSWD sa mga volunteers para sa  repacking aid at donasyon para sa Paeng-affected areas.

“We welcome additional manpower, financial and non-financial donations in our Bayanihan effort to help our kababayans. Those who want to help could reach out to these numbers: 09569226155 and 09152921875,” aniya pa rin.

Tiniyak naman ni Punay sa publiko na may sapat na pondo ang pamahalaan para tulungan ang mga apektadong komunidad.

“We still have P1.2 billion worth of stockpile aid and standby fund, as well as P264 million Quick Response Fund, which we can use to augment assistance in affected communities,” ayon kay  Punay.

“The DSWD stands ready for this,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose