DSWD central dinumog pa rin ng walk-ins sa educ’l aid

DSWD central dinumog pa rin ng walk-ins sa educ’l aid

August 27, 2022 @ 10:19 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sa kabila ng paulit-ulit na anunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi na pwede ang walk-in sa pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga mahihirap na estudyante, dinagsa pa rin ang central office ng ahensya sa Quezon City.

Kahit na inilipat na sa National Vocational Rehabilitation Center (NVRC) sa Project 4 ang payout center para sa educational cash aid ay marami pa rin ang tumambay sa DSWD headquarters sa Barangay Batasan Hills ngayong Sabado.

Nagbabakasakali ang maraming mga nanay at estudyante na makakuha ng ayuda. Marami sa kanila ang hindi pa nakakatanggap ng confirmation text at nagsasamantala lamang na makakuha ng educational assistance bilang walk-in.

Nauna nang pinayuhan ng DSWD na ang mga makatanggap ng cash assistance ay magrehistro online o mag-email sa kanila sa [email protected]

Maaari ring bisitahin ng mga aplikante ang website ng DSWD at social media accounts para sa iba pang detalye. RNT