DSWD chief Tulfo nagbabala vs ‘loan sharks’ na tumatanggap ng 4Ps cash cards

DSWD chief Tulfo nagbabala vs ‘loan sharks’ na tumatanggap ng 4Ps cash cards

July 13, 2022 @ 11:30 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagbabala si Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo nitong mga Miyerkules sa mga indibidwal na tumatanggap ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) cash cards, at sinabing maaari silang makulong.

Sinabi ni Tulfo na ilang mga nagpapautang ang umano’y sinisingil ang mga benepisyaryo ng 20 hanggang 40 porsyento ng buong cash assistance mula sa pamahalaan.

“I would like to take this opportunity to warn the loan sharks, ‘yung mga tumatanggap. Bawal po ‘yan na tumanggap po kayo ng mga isasanla sa inyo na ika nga, 4Ps cash card,” pahayag ni Tulfo.

“Labag po sa batas ‘yan and they are charging like 20 to 40% doon sa kabuuan makukuha so nababawasan ng halos 40 percent ‘yung monthly assistance ng gobyerno sa kanila. You could end up in jail ‘pag nahuli namin kayo, kayong mga loan shark,” dagdag niya.

Nauna nang sinabi ni Tulfo na halos isang milyong benepisyaryo ng 4Ps ang aalisin sa listahan ng mga makatatanggap ng targeted social assistance. RNT/SA