DSWD: Education aid payout nitong Sabado, ‘generally smooth’

DSWD: Education aid payout nitong Sabado, ‘generally smooth’

August 28, 2022 @ 12:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- “Generally smooth” ang ginawang distribusyon ng educational assistance sa mga estudyanteng benepisyaryo sa Department of Social Welfare and Development-designated payout centers na nagpatuloy, kahapon, araw ng Sabado, Agosto 27 maliban lamang sa mga “isolated hitches” o hadlang sa ilang lugar sa bansa.

Sinabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Rommel Lopez na “generally smooth” ang  nationwide distribution ng educational aid.

Nauna rito, sinabi ni  DSWD Secretary Erwin Tulfo na ang cash distribution ay tatapusin sa loob ng anim na Sabado na nagsimula na noong Agosto 20 at magtatapos sa Setyembre 24.

“However, there were some hitches in the process on the second Saturday of the payout,” ayon kay Lopez.

Dahil sa pagdagsa ng tao na karamihan ay walk-ins — sa  Boac, Marinduque ay nagdesisyon ang DSWD, Philippine National Police (PNP), at local government unit (LGU) na kanselahin ang payout.

“Gayunpaman, ito ay tinitingnan ng DSWD Central Office na mga isolated places lang naman po, kasi, overall po sa bansa ay maayos po yung pamamahagi ng educational payout na nangyare. So tinitingnan po natin yung mga isolated situation in some places, pero sinisiguro po ng DSWD na aayusin din po natin yung sistema dito po sa mga apektadong lugar,” ayon pa rin kay  Lopez.

At dahil sa pagkalito at mahabang pila noong nakaraang Agosto  20 -ang unang anim na Sabado na itinakda para sa  payout — nagpasaklolo na ang DSWD Department of the Interior and Local Government (DILG) na mag- request sa LGUs para sa technical assistance. Kris Jose

(Mga larawan kuha ni Danny Querubin)