DSWD eServices , inilunsad para sa mga minors

DSWD eServices , inilunsad para sa mga minors

July 9, 2018 @ 11:35 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Inilunsad ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang DSWD eServices upang mapabilis ang serbisyo sa publiko.

Ang DSWD eServices ay isang online application at pagproseso para sa pag-iisyu ng travel clearance certificate, licensing, registration para sa mga menor de edad na mangingibang bansa gayundin ang pag-isyu ng certificate of Registration, ang Licensing of Social Welfare and Development Agencies (SWDAs) at Accreditation ng Service Providers (SPs).

Sa DSWD eServices, maari nang makipag-ugnayan ang publiko sa ahensya sa pamamagitan lamang ng internet kung saan puwede ito sa mobile devices o computer.

Ayon kay DSWD Secretary Virginia N.Orogo, na laging naghahanap ang ahensya ng paraan upang mapabuti pa ang sistema upang mabilis na maiparating ang hinaing ng publiko lalo na sa mga menor de edad na nagnanais mag-travel abroad.

“Through the eServices, we will be able to cut down processing time and resources since the clientsc need not go to the Department just to file their applications for the said services”, ayon pa kay Usec.Orogo

Ang Travel Clearance for Minors Traveling Abroad batay sa Administrative Order No.12 series of 2017 o Omnibus Guidelines for Minors Traveling Abroad ay ang ibinibigay na serbisyo ng DSWD na nagbibigay proteksyon at seguridad sa mga menor de edad na Filipino na mag-aabroad na hindi kasama ang kanilang mga magulang o guardian.

Paliwanag ng DSWD, kailangan ng travel clearance kapag ang isang menor de edad ay walang gabay ng magulang o guardian.

Mayroon namang tatlong pinagbabatayang batas ang DSWD para sa nasabing travel clearance tulad 1.) Republic Act 8239 o ang ‘The Philippine Passport Act of 1996 na kinakailangan ang consent ng magulang, 2.) RA 7610 o ang proteksyon sa mga bata laban sa pang-aabuso at deskriminasyon, 3.) Ra 9208 o Anti Trafficking in Person Act 2003 na inamyendahan ng RA 10364 o ang Expanded Trafficking in Person Act na isang pamantayan upang ang anti-trafficking ay mapalakas.

Maari namang makita ang iba pang impormasyon ng eServices sa kanilang website na www.dswd.gov.ph/eservices.

Hinikayat din ng ahensya ang mga aplikante na gumamit na lamang ng online system na isang makabagong pamamaraan para sa magaan na serbisyong may malasakit.

Sinabi naman ni DSWD Undersecretary Francisco Moreno Domagosa, nais nitong lalo pang mapabuti ang kanilang serbisyo publiko upang matulungan ang mga mahihirap na mamamayan kaya naman inilunsad ang DSWD eServices . (JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)