DSWD essential workers nagrehistro na sa COVID vaccination



DSWD essential workers nagrehistro na sa COVID vaccination

June 9, 2021 @ 7:24 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Halos siyam na libo ang nagrehistro upang magpabakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) sa mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“When the employees who are now willing to be inoculated were asked what factors led to their change of mind, most referred to the information they received on the vaccine as the factor that influenced their current willingness to be inoculated,” ayon sa DSWD.

Patuloy ang pag-agapay ng kagawaran sa gobyern sa promosyon ng COVID vaccine.

Ayon sa DSWD tumaas ang bilang ng mga tauhan nitong nais makatanggap ng bakuna.

Batay sa Pulse Surveys, mula 35 porsyento nitong Pebrero, 74 porsyento na ito nitong Mayo ang mga tauhan nitong nais magpabakuna.

Ilan sa aktibidad ng DSWD ang e-mail blasts at memoranda patungkol sa bakuna.

“Half of the employees or 50 percent of those who answered the survey also reported satisfaction on the dissemination of information related to COVID-19 vaccine, while 21 percent were very satisfied,” anila. RNT/ELM


  •  
  •  
  •