DSWD, Hong Kong sanib-pwersa sa pagprotekta sa OFWs

DSWD, Hong Kong sanib-pwersa sa pagprotekta sa OFWs

January 12, 2023 @ 11:49 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – KAPUWA pinagtibay nina Department of Social Welfare and Development (DSWD) officer-in-charge Eduardo Punay at Labour and Welfare Bureau Secretary Chris Sun ng gobyerno ng Hong Kong Special Administrative Region (SAR) ang kanilang pangako na magtutulungan na protektahan ang kapakanan ng bawat Pinoy sa Pilipinas at sa ibang bansa sa isinagawang meeting na idinaos sa DSWD Central Office.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni DSWD OIC Punay ang pagsisikap ng departamento na paigtingin ang mekanismo sa pagbabantay sa karapatan at i-promote ang kapakanan ng mga Filipino bilang isa sa pangunahing prayoridad ng departamento.

Ipinahayag din nito ang pagsuporta ng DSWD na palakasin ang bilateral ties sa foreign governments, gaya naman ng pagtiyak ng Labour and Welfare Bureau ng Hong Kong SAR, na magiging protektado at maipo-promote sa ibang bansa ang mga Filipino.

“As we continue to share the same vision, the Department of Social Welfare and Development is open to closely work with your agency and develop a meaningful partnership for the benefit of the sectors that we serve,” ayon kay Punay sa kanyang mensahe.

Nagpaabot din si Punay ng kanyang taus-pusong pasasalamat sa Hong Kong government para sa kanilang suporta sa mga Filipino household workers sa Hong Kong at sa pagbibigay ng mga ito ng kinakailangang atensyon at special concern sa kanilang medical at healthcare needs.

At upang matiyak na ang probisyon ng social welfare programs at services sa mga overseas Filipinos (OFs) sa Hong Kong, ang DSWD sa pamamagitan ng kanilang International Social Service Office (ISSO), nagtalaga ng isang Social Welfare Attaché sa Philippine Consulate sa Hong Kong.

Sa ngayon, ang DSWD ay nakapagsilbi sa 11,814 OFs sa Hong Kong sa pamamagitan ng probisyon ng social welfare at development programs gaya ng “psychosocial services; Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS); pre-marriage and marriage counseling services; referral services; socio-cultural and capability building activities; repatriation program and reintegration services among others.” Kris Jose