DSWD KABILANG SA 1ST RESPONDER SA ABRA QUAKE

DSWD KABILANG SA 1ST RESPONDER SA ABRA QUAKE

August 1, 2022 @ 7:51 PM 2 weeks ago


PINANINDIGAN ni DSWD Secretary Erwin Tulfo ang sinabi niyang marapat ay unang rumesponde ang ahensya sa anomang kalamidad o sakunang naganap sa bansa upang agarang malaman ang sitwasyon ng mga apektadong pamilya at matugunan kanilang ang pangunahing pangangailangan.

Isa lang ito sa mga naunang panuntunang binitawan ng kalihim ilang araw makaraang i-appoint ito bilang pangkalahatang pinuno ng kagawarang ang tanging responsibilidad ay tulungan at ibangong muli ang kalagayan ng taumbayang sinalanta ng sakuna o delubyo.

Kaya naman ilang oras matapos maganap ang 7.3 magnitude na lindol sa Abra, agarang tumungo si Tulfo sa ilang lugar sa Norte sakay ng chopper upang alamin ang kalagayan ng mga pamilyang naapektuhan ng sakuna.

Katuwang ang LGUs at iba pang ahensya sa Abra,personal na pinangasiwaan ng kalihim ang evacuation ng mga empleyado ng DSWD doon at pagsasagawa ng relief operations sa mga apektadong lugar kabilang ang pamamahagi ng food packs at hygiene kits sa mga pamilyang iginupo ng napakalakas na lindol.

Inalerto rin ni Tulfo ang iba pang field offices ng Northern Luzon na maging handa sa karagdagang rescue at relief operations kasabay nang pagbibigay ng agarang cash assistance na ?10 milyon sa mga pamilyang sinalanta ng lindol.

Ang mabilisang pag-responde ng DSWD Team na pinamunuan ng kalihim ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na agarang inatasan naman ang ahensya at NDRRMC na tumungo sa Abra at iba pang lalawigan sa Hilagang Luzon upang alamin ang sitwasyon at tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong kababayan.

Ang dating kalakaran ng LGUs na unang bumabalandra at tumutugon sa mga ganitong kalamidad ay binago na mula nang umupo si Tulfo kung saan naging polisiya na maging kabilang sa 1st responder ang DSWD.

Layunin ng kalihim sa panibagong panuntunan ang maagap na pag-kalinga sa mga pamilyang sadyang naapektuhan ng mga hindi inaasahang kalamidad.
Anomang puna o reaksyon itex sa 09999388537/email [email protected]