DSWD magpapadala ng pagkain sa mga lugar sa NCR na naka-lockdown

DSWD magpapadala ng pagkain sa mga lugar sa NCR na naka-lockdown

January 11, 2022 @ 7:10 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang patuloy na pagbibigay ng tulong sa mga pamilya at indibidwal na apektado ng mas pinahigpit na quarantine measures sa Metro Manila at mga karatig-probinsya.

Patuloy ang DSWD sa pamamahagi ng family food packs sa local government units (LGUs) sa ilalim ng Alert Level 3 sa gitna ng pagtaas ng coronavirus infections sa ilang lugar, lalo na sa Metro Manila.

Gayunman, sinigurado nito sa mga apektadong residente na sapat ang budget ng DSWD para sa pandemic response operations nito.

“Of this figure, more than P102 million is the standby funds of the central office and field offices while over P37.18 million is the available quick response fund,” pahayag ng DSWD nitong Martes.

Gayundin, mayroong nakalaan ang DSWD na 299,000 family food packs sa strategic locations para sa distribusyon sa apektadong populasyon.

Patuloy din ang repacking activities nito para sa madaliang pamamahagi sakaling kailanganin.

Nangako naman ang DSWD na makikipag-ugnayan sa LGUs para sa mas madaling pamamahagi ng tulong. RNT/SA