DSWD may sapat na pondo para sa calamity assistance ‘gang pagtatapos ng 2022

DSWD may sapat na pondo para sa calamity assistance ‘gang pagtatapos ng 2022

October 27, 2022 @ 7:40 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- May sapat na pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)  para suportahan ang  calamity-stricken areas hanggang matapos ang taong 2022.

“As of today mayroon tayong available pa na mahigit P1.4 billion na pondo for stockpiles at standby funds ng ahensya at mahigit P450 million dito ay available standby funds para dito sa ating central office at field offices,” ayon kay DSWD Undersecretary Eduardo Punay sa isang  public briefing.

“So handa po tayo at meron po tayong pondo hanggang sa katapusan po ng taon para rumesponde sa pangangailangan ng ating mga kababayan na maapektuhan po ng mga bagyo at ng mga kalamidad,” dagdag na pahayag nito

Samant.ala, sinabi ni Punay na nagsimula na ang  DSWD na mamahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng  magnitude 6.4 earthquake sa Abra, araw ng Martes.

Sa Dingras, Ilocos Norte,  sinabi ni Punay  na nagbigay ang DSWD  ng financial assistance sa ilalim ng  Assistance to Individuals in Crisis Situation program sa 8 pamilya kung saan ang mga bahay ay nawasak ng malakas na paglindol.

Nagbigay naman ang DSWD  ng P5,000  halaga ng  financial aid sa 7 katao sa Abra  na nasaktan noong mangyari ang lindol.

May  kabuuang 236 family food packs na nagkakahalaga ng  P160,000 ang ipinamahagai sa mga naapektuhan sa  Abra, at modular tents para sa mga ito.

Tinuran ni Punay na may P198,000 halaga ng  humanitarian assistance ang naibigay sa mga earthquake victims hanggang nitong Huwebes.

“As of 6 a.m., 22 families or 76 individuals were in three evacuation centers in Region 1 and in the Cordillera Administrative Region,” ayon kay Punay.

Aniya, nakapagtala  sila ng 183 pamilya o 403 indibiduwal na na-displaced  dahil sa lindol. Kris Jose