DSWD naglaan ng P73.94-M para sa ‘Rosal’ victims

DSWD naglaan ng P73.94-M para sa ‘Rosal’ victims

December 13, 2022 @ 6:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nitong Martes na naglaan ito ng halos P73.94 milyong halaga ng quick response funds para sa mga apektado ng storm Rosal. 

Inihayag ni DSWD spokesperson Romel Lopez na mayroong halos 28 pamilya— binubuo ng 150 indibidwal— ang direktang apektado ng bagyo sa Caraga at Western Visayas regions. 

Nananatili naman ang 65 indibidwal sa evacuation centers.

“Iyong atin pong prepositioned na family food packs at ilan pa pong mga relief items ay aabot po sa 77,798. Available po ito sa mga disaster response center natin dito po sa [National Resource Operations Center], dito po iyan sa Pasay City,” sabi ni Lopez sa televised briefing. 

“Tinataya po natin na iyong worth po ng ating food items and non-food items po natin ay nasa 797 million pesos,” dagdag niya.

Halos P75 milyong halaga naman ng standby funds ang available sa field offices ng ahensya, ayon kay Lopez.

Aniya pa, ang pondong ito “may support the relief needs of the displaced families due to TS Rosal through inter-field office augmentation.”

Lumayo na nitong Lunes mula sa Philippine landmass ang ika-18 topical cyclone ng bansa, at humina na rin.

Ayon sa PAGASA, hindi na ito makaaapekto sa Philippine weather. RNT/SA